Soberanya
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang soberanya ay ang pang-apat na elemento ng isang Estado. Ito ang pinakamataas na kapangyarihan ng Estado upang magpatupad ng kagustuhan nito sa mga mamamayan nito sa pamamagitan ng mga batas. Mayroon dalawang uri ng soberanya. Ito ang soberanyang panloob at panlabas. Ang soberanyang panloob ay ang kapangyarihan na mamahala sa nasasakupan nito. Samantala, ang soberanyang panlabas ay ang kapangyarihan na ipagtanggol ang kalayaan ng bansa laban sa mga mananakop.