Tamaraw
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Tamaraw | ||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Klasipikasyong siyentipiko | ||||||||||||||
|
||||||||||||||
Binomial name | ||||||||||||||
Bubalus mindorensis * (Heude, 1888) |
Ang tamaraw (Bubalus mindorensis; previously Anoa mindorensis) ay isang bovine na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas. Bagaman, pinaniniwalaan na namuhay sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan, ngunit dahil paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, may iilan lamang ang natira sa mga wala nakatirang madamong lugar at ngayon nanganganib na ito.
Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi subspecies ng tamaraw ang kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling sungay na parang titik V.
Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang Piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990.