Tubo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa ibang gamit, tingnan Tubo (paglilinaw).
Sugarcane | ||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sugar cane leaves |
||||||||||
Klasipikasyong siyentipiko | ||||||||||
|
||||||||||
Species | ||||||||||
Saccharum arundinaceum |
Ang tubo ay isang genus ng 6 hanggang 37 mga specie (depende sa interpretasyong taksonomiya) ng mga matataas na damo (family Poaceae, tribe Andropogoneae), likas sa maiinit na lugar sa rehiyong tropikal ng Lumang Mundo. Ang mga ito ay matataba, maraming fiber ang tangkay, sa taas na 2 hanggang 6 na metro, at mayaman ang dagta nito sa asukal.
Mayroong 13 milyong hektarya ng mga patanimang bukid ng tubo sa buong mundo, kasama ang mahigit sa 100 bansa na pinapatubo ang tanim. Kabilang sa malalaking tagapag-ani ang Brasil, Indya, at Tsina.
Sa Pilipinas, ang pulo ng Negros (kung saan matatagpuan ang lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental), ang sentro ng mga taniman ng mga tubo. Tinatayang nasa 2/3 ng mga tubo sa Pilipinas ay tinatanim dito.