Web browser
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Web browser ay software na ginagamit upang tumingin ng mga web page. Ang ilan sa mga kilalang web browser ay ang Mozilla, Mozilla Firefox, Internet Explorer, Opera, Safari, Epiphany, Konqueror.
Ang Mozilla, Mozilla Firefox, Epiphany, at Konqueror ay mga malayang software.
May mga web browser na tumatakbo sa mga GUI at may iba namang tumatakbo sa console o terminal. Kadalasan ay maaari ding gamitin ang web browser upang tingnan ang mga FTP site.