Helen Keller
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Helen Adams Keller (Hunyo 27, 1880 — Hunyo 1, 1968) ay isang bingi at bulag na Amerikanong may-akda, aktibista at taga-panayam.
Ipinanganak sa Tuscumbia, Alabama si Keller. Noong Pebrero, 1882, labing-siyam na buwan pa lamang siya, nagkaroon siya ng lagnat na naging sanhi ng kanyang kapansanan. Naging malaking gulat sa kanya at mga magulang ang pagkawala ng kanyang abilidad na makipagtalastasan sa murang edad at dahil dito mahirap na siyang panatalihin.