Hydroxide
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Hydroxide ay isang polyatomic ion na nalikha sa oxygen at hydrogen:
- OH−
Ito ay nagdadala ng kargada-elektrikal na −1. Sa katunayan, ito ang isa sa mga pinakasimpleng polyatomic ion.
Ang mga base na mayroong hydroxide ay tinatawag na hydroxide bases. Nawawatak ang mga hydroxide bases sa tubig, at ang pagwawatak na ito ay nagdudulot ng mga cation at hydroxide, depende sa formula ng compound. Ang mga hydroxide bases na gawa sa mga cation ng Grupo IA (o Grupo 1 sa Sistemang IUPAC) ay tinatawag na mga alkali, at ang mga ito ay nakikipagtuos sa mga acid. Ang mga pagtutuos na acid-alkali ay, sa pangkalahatan,
- OH−(aq) + H+(aq) → H2O(l)
kung tatanggalin ang mga spectator ions. Maraming hydroxide bases ay nalulusaw nang maigi sa tubig.
[baguhin] Kagamitan ng mga hydroxide
Napakadami ng kalagyan at gamit ng mga hydroxide at mga hydroxide bases, tulad na lamang ng sodium hydroxide (lye) na ginagamit sa industriya bilang isang malakas na base. Ang potassium hydroxide ay ginagamit sa agrikultura. Ang mga mineral na may iron hydroxide tulad ng goethite at limonite ay ginagamit bilang mababang-uri na brown iron ore. Ang aluminium ay kinukuha sa bauxite na kinasasangkapan ng mga hydroxide ng aluminum.
Ang isang base, ayon sa depinisyon ni Svante Arrhenius, ay nawawatak sa tubig at nagiging hydroxide ions. Ngayon, sa mga teorya nina Bronsted at Lowry ukol sa mga acid at base, hindi lang mga hydroxide ang itinuturing na mga base. Isang base na hindi tumugma sa mga depinisyon ni Arrhenius, ngunit tumugma sa pinanibagong depinisyon nina Bronsted at Lowry, ay ang ammoniako.
[baguhin] Sipiin din
- Hydronium
- Oxide
Categories: Kimika | Stub