Julius Caesar
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Imperator Gajus Julius Caesar Divus (Hulyo 13, ca. 100 BCE–Marso 15, 44 BCE) ay isang Romanong pinunong militar at pampolitika. Susi siya sa pagbabagong-anyo ng Republikang Romano tungo sa pagiging Imperyong Romano. Ipinalawak ng kaniyang pagsakop ng Gallia ang daigdig Romano hanggang sa Dagat Atlantik at nagbigay daan ito sa pagpapakilala ng mga impluwensyang Romano sa ang ngayon ay Pransya, kung saan ang mga bunga nito ay kapuna-puna. Nagdulot din ito sa pagkalipol ng mga wikang Keltik sa Gallia. Noong 55 BCE inilunsad ng Caesar ang kauna-unahang paglusob ng mga Romano sa Britain.
Nakipaglaban at nanalo ang Caesar sa isang digmaang sibil na nag-iwan sa kaniya bilang tunay at kaisa-isang puno ng daigdig Romano. Nagsimula siya ng malawakang pagbabago ng lipunan at pamahalaang Romano. Iprinoklama siyang panghabambuhay na diktador, at lubos niyang isinentralisa, o isinaisa, ang humihina at nagwawatak-watak nang pamahalaan ng Republika. Nakipagsabwatan ang kaibigan ng Caesar na si Marcus Brutus upang patayin siya nang pataksil sa pag-asang mailigtas ang Republika. Ang pagpatay nang pataksil noong Ides ng Marso ay nagsiklab ng panibagong digmaang sibil sa pagitan ng Caesarians—Octavianus, Marcus Antonius, at Lepidus—at ng mga Republikano—Brutus, Cassius, at Cicero, kasama ng mga iba. Nagtapos ang alitang ito sa pagtagumpay ng Caesarians sa Labanan sa Fílippoi, at sa pormal na pagtatatag ng Ikalawang Triumviratus nang sa pamamagitan ay kinontrol nina Octavianus, Antonius, at Lepidus ang Roma. Napatubog nanaman ang Roma sa isa pang digmaang sibil dahil sa tensyon sa pagitan nina Octavianus at Antonius na nauwi sa pagkatalo ng pangalawa sa Labanan sa Actium at ang pag-iwan kay Octavianus bilang tunay at kaisa-isang pinuno ng daigdig Romano.
Nagdulot ang panahong ito ng mga digmaang sibil sa pagpalit-anyo ng Roma mula Republika patungong Imperyo kung saan ang pamangkin ng Caesar sa tuhod at inampon niyang anak na si Octavian ang naging unang Emperor nito sa pangalang Caesar Augustus.
Kilala nang detalyado ang mga kilusang militar ng Caesar mula sa kaniyang sariling sinulat na Commentarii (Mga Pagpupuna) at maraming bahagi ng kaniyang buhay ay itinala ng mga mananalaysay tulad nina Suetonius, Ploútarchos, at Dio Cassius.