Lungsod ng Agra
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa ibang gamit, tingnan Lungsod ng Agra (paglilinaw).
Ang Agra ay isang lumang lungsod sa pampang ng Ilog Yamuna sa India, sa loob ng estado ng Uttar Pradesh na mayroong tatlong Manang Pangkultura sa Mundo (World Heritage Sites). Naging bantog ito bilang kapital ng mga soberenya ng Mughal mula 1526 hanggang 1658 at nanatili bilang isang pangunahing destinasyon ng mga turista dahil sa mga magagandang gusali na ginawa noong panahon ng mga Mughal, kabilang dito ang Tāj Mahal, Agra Fort at Fatehpur Sikri.