New Zealand
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang New Zealand (Tagalog: Bagong Zeeland) o Aotearoa (Māori para sa Lupain ng Mahabang Puting Alapaap), ay isang bansa ng dalawang malalaking pulo at maraming mas maliliit na mga pulo sa timog-kanlurang Karagatang Pasipiko. Sa mga bansa sa Timog Pasipiko, ang New Zealand ang may pinakamalaki at pinaka-industrialisadong ekonomiya at pumapangalawa lamang ang populasyon nito sa Papua New Guinea. Natatangi ang New Zealand sa kanyang pagkabukod, nakahiwalay sa Australia sa hilaga-kanluran sa pamamagitan ng Dagat Tasman, mga 2,000 km ang pagitan. Ang New Caledonia, Fiji at Tonga ang malalapit na mga kapitbahay. Binubuo ng karamihan sa populasyon sa New Zealand ng mga taong nagmula sa Europa, kasama ang katutubong Māori na kabilang sa pinakamalaking minorya. Ang mga taong di-Māori na Polynesian at Asyano ang mga mahahalagang minorya, lalo na sa mga lungsod.
Mga bansa sa Oceania | |
![]() |
Australia : Australia · Norfolk Island |
![]() |
Melanesia : Fiji · New Caledonia · Papua New Guinea · Solomon Islands · Vanuatu |
![]() |
Micronesia : Guam · Kiribati · Marshall Islands · Northern Mariana Islands · Federated States of Micronesia · Nauru · Palau |
![]() |
Polynesia : American Samoa · Cook Islands · French Polynesia · New Zealand · Niue · Pitcairn · Samoa · Tokelau · Tonga · Tuvalu · Wallis and Futuna |