Pulo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang pulo o isla ay isang piraso ng lupa na mas maliit sa kontinente at mas malaki sa bato na napapalibutan ng tubig. Ang mga maliliit na pulo na hindi kapanipanibangan ay tinatawag na islet sa Ingles.
Mayroong tatlong karaniwang uri ng pulo: pulong kontinental, pulo sa ilog, at pulong bulkan.
Mga nilalaman |
[baguhin] Pulong kontinental
Ang mga pulong kontinental ay mga pulo na matatagpuan sa continental shelf ng isang kontinente. Isang halimbawa nito ay ang isla ng Greenland, na nasa kontinente ng Hilagang Amerika.