Aklat
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Aklat o tinatawag ding libro ay mga pinagsamasamang mga nailimbag na salita sa papel. Ang ibang aklat ay naglalaman din ng mga larawan. Ang aklat ay kadalasang maraming pahina.
Nahahati sa dalawang uri ang mga aklat, Mga kathang isip at Di Kathang isip. Ang mga Kathang isip ay ang mga kwentong hindi totoo. Ang mga aklat naman na base sa totoong kaganapan, ngunit mayroong mga karakter o dyalogo, ay tinatawag din minsan na kathang isip. Ang Di Kathang isip ay base sa mga katotohanan, tulad ng kasaysayan, o aklat ng agham. o mga talambuhay.