Bituin
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
[baguhin] Bituin
Ang isang bituin ay isang katawan ng plasma sa dakong labas na kalawakan na binibigkis ng sarili niyang balani (grabedad) at may sapat na bigat upang masustentuhan ang kanyang pagsasalikop nukleyar sa kanyang siksik na ubod. Ang pagsasanib ng mga nukleyong atomiko ay nabubunga ng enerhiya na tuloy-tuloy na lumalabas sa buong buhay nito. Ang ating Araw ay halimbawa ng isang bituin. Sa Kalawakang Araw natin, lumilibot ang mga tala o planeta kasama ang ating Lupa. Ang pinakamalapit na bituin sa ating Kalawakang Araw, at ang ikalawang bituin na pinakamalapit sa Lupa ay ang Proxima Centauri. Ito ay may layong 40 trilyong kilometro. Ito ay 4.2 liwanag na taon o light years kung saaan ang liwanag mula sa bituing ito ay darating sa Lupa pagkaraan ng 4.2 taon.
Nalalaman ng mga astronomo ang mga katangian ng isang bituin sa pagmamatyag ng kanya espektrum, ningning at kilos sa kalawakan. Makakaiba ang mga bituin sa kanilang kabuuang bigat, komposisyong kimikal at edad. Ang kabuuang bigat ng isang bituin ang pangunahing pang-alam sa pag-inog at kahihinatnan nito. Ang iba pang katangian ng isang bituin ay inaalam sa kasaysayang pag-inog nito tulad ng diametro, paglibot, kilos at temperatura. Ang krokis ng temperatura ng bituin sa ningning ay tinatawag na Hertzsprung-Russell diagram (HR-diagram), na nagtataya sa tamang edad at katuyuang pag-inog nito.
Sumisilang ang isang bituin sa pagsasalikop ng ulap na pangunahing binubuo ng mga hidroheno kasama ang ilang helio at mangilan-ngilang mabibigat na elemento. Kapag sapat ng siksik na ang ubod nito, ang ilang hidroheno ay magsasanib upang makabuo ng helio na pamamagitan ng pagsasalikop nukleyar. Ang natitirang loob ng bituin ang nagdadala ng enerhiya palayo at palabas ng ubod sa pamamagitan ng radyasyon at mga prosesong convective. Ang enerhiyang ito ay nagbubunga ng simoy bituin sa rabaw na isisingaw naman sa kalawakan.
Kapag naubos na ang parikit na hidroheno sa ubod nito, ang isang bituin na may mabigat ng 0.4 beses sa bigat ng Araw natin o higit pa ay lalaki upang maging isang pulang higante na magsasalikop ng mga mabibigat na elemento nito o sa talukap ng ubod nito. Pagkatapos, magigiba ito upang magamit muli ang ilang materya nito sa interestelang kapaligiran nito kung saan bubuo ito ng bagong henerasyon ng mga bituin na may mas mataas ng proporsyon ng mabibigat ng mga elemento.
Ang dalwahin at sistema ng magkakadikit na mga bituin ay binubuo ng dalawa o higit pang mga bituin na binigkis ng kanikanilang balani at kalimitang lumilibot sa bawat isa sa isang matiwasay na libutan. Kapag ang dalawang bituin ay masasabing magkalapit na libutan, ang kanilang pagniniig pambalani ay may matibay na impluwensya sa kanilang pag-inog.
[baguhin] Talahulugan
Balani; grabedad – gravity
Binibigkis - bound
Helio - helium
Hidroheno – hydrogen
Insterstelang kapaligiran – interstellar environment
Kahihinatnan – fate; destiny
Kalawakang Araw; Sistema ng Araw - solar system
Katangian – properties; characteristics
Krokis – plot; diagram
Libutan – orbit; orbital
Materya - matter
Matiwasay - stable
Ningning – luminousity
Pag-inog – evolution; life cycle
Pagmamatyag – observation
Pagniniig – interaction
Pagsasalikop nukleyar – nuclear fusion
Parikit – fuel
Rabaw; balat – surface
Tala; planeta - planet
Talukap – shell
Tuloy-tuloy – spontaneous
Simoy bituin – stellar wind
Ubod – core; nucleus