Demokrasya
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Tungkol ang artikulong ito sa demokrasiya sa pangkalahatan at iba't ibang anyo nito. Para espesyalisado at ibang karaniwang mga gamit ng kataga, tingnan, tingnan Demokrasya (paglilinaw).
Ang demokrasya ay, sa literal, ang pamamahala ng mga tao (mula sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala"). Nasa gitna ng iba't ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng "mga tao", ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang katagang demokrasya sa konteksto ng isang politikal na estado, ang mga prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala.