Greater London
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang London ang de facto na kabisera ng England at ng UK.
Mahigit-kumulang dalawang milenyo nang isang mahalagang paninirahan, ang London sa kasalukuyan ang isa sa mga pinakamahahalagang sentrong pangkalakalan, finance, at pangkultura,[1] at ang impluwensya nito sa politika, edukasyon, libangan, midiya, fasyon, at sining ay lahat nag-aambag sa status nito bilang isa sa mga pangunahing pandaigdigang lungsod.
Di-tulad ng ibang mga kabisera, ang status ng London bilang kapital ng UK ay hindi magpakailanmang iginawad o pinagtibay nang opisyal—pabatas man o sa anyong nakasulat. Ang katayuan nito bilang kabisera ay naitatag lamang sa pamamagitan ng kombensyon o kinagawian, ginagawa ang katayuan nito bilang de facto na kapital bahagi ng di-sulat na saligang batas ng UK.