Kalendaryong Gregorian
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Kalendaryong Gregorian (o Gregoryano) ay ang pinakasikat na kalendaryo sa kanluranin. Nagbuhat ito sa Kalendaryong Julian at unang ipinanukala ng isang doktor na taga Neapolitan na si Aloysius Lilius. Pinagtibay ang paggamit ng kalendaryong ito ni Papa Gregorio XIII (Ikalabing tatlo), na siya ring pinagmulan ng pangalan ng kalendaryong ito. Pinagtibay ito noong Pebrero 24, 1981, gayumpaman ang papal bull Inter gravissimas ay nalagdaan noong 1581 sa di malaman na kadahilanan at naisa "print" noong Marso 1, 1582. May ibang papal bull na hindi salungat sa taon ng pagkapapa at maging ibang taon.
Sa kasalukuyan, ang ginagamit na sistema sa pagbibilang ng araw ay batay sa Kalendaryong Gregorian sa maraming bansa. Sa pamamagitan ng kalendaryong ito ay itinalaga ang Enero 1 bilang simula ng isang taon. Bago dumating ang Kalendaryong Gregorian, ang pinagbabatayan ng pagbilang ng taon ay ang Kalendaryong Julian na hango sa pangalan ni Julius Caesar.