Linggo (panahon)
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang linggo ay isang yunit ng panahon na mas mahaba sa isang araw at mas maiksi sa isang buwan. Sa karamihan sa makabagong kalendaryo, kasama ang Kalendaryong Gregorian, ang isang linggo ay isang panahon na binubuo ng pitong araw. Ito ang pinakamahabang kumbensyunal na yunit ng panahon na binubuo ng tiyak na bilang ng araw. Kahit na wala itong basehan sa astronomiya, ito ang karaniwang ginagamit na yunit ng panahon.