Madagascar
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Tungkol sa pulong bansa ang artikulong ito. Para sa pelikula noong 2005, tingnan Madagascar (pelikula).
Ang Republika ng Madagascar (internasyunal: Republic of Madagascar) o Madagascar ay isang walang hangganang pulong bansa sa Karagatang Indyan, sa labas ng silangang pampang ng Aprika. Ang Madagascar ang ika-4 na pinakamalaking pulo sa daigdig. Tahanan ito ng limang bahagdan ng mga specie ng halaman at mga hayop sa buong mundo, 80 bahagdan nito ang matatagpuan sa Madagascar lamang. Ilan sa mga halimbawa ng biyodibersidad ang mga pamilya ng mga primate na lemur at kanyang mga punong baobab.