Masel
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
[baguhin] Gawain at kahalagahan ng Muscle Tissue
1. Paggalaw ng tao 2. Pagpapanatili at pagpapanatag ng posisyon ng katawan 3. Pagreregula ng laki ng organs. Ang mga bands sa makinis na laman ay tinatawaag na sphincters 4. Pagpapagalaw at kilos ng mga substances sa loob ng katawan. Kabilang sa mga substances na ito ay ang dugo, lymph, ihi, hangin, pagkain, tamod o semilya at iba pang katas. 5. Pagpapanatili ng init. Ang di mapigil na pagtikom, pagbuka at panginginig (shivering) ng mga skeletal na laman.
[baguhin] Uri ng Muscle Tissue
1. Skeletal Muscle. Ito at nakadikit sa buto, sa balat o fascia. Sila ay mayroong marka o pagkakakilanlan na "stratiation" ng madilim at maliwanag bands na makikita lamang gamit ang mikroskopyo. Ang mga skeletal muscle ay boluntaryo sa kaniyang pagtikom, sara, galaw at pagpapanatag. Pinapatakbo ito ng Somatikong Sistemang Nerbiyos (somatic nervous system).
2. Cardiac Muscle. Ang mga cardiac muscle, kagaya ng skeletal muscle ay may pormang "stratiation". Pinapakilos ito ng Otomikong Sistemang Nerbiyos (Autonomic Nervous System). Ang paggalaw nito ay may kusang ritmo (autorhythmic) dahil sa pagkakaubos nito sa pacemaker.
3. Smooth Muscle. Ang smooth muscle o makinis na laman ay nadikit o dugtong sa follicles ng buhok sa balat. Wala silang "stratiation" at gaya ng cardiac muscle, ito ay pinatatakbo ng otomikong sistemang nerbiyos. Matatagpuan ang ilan sa mga smooth muscle sa dingding o pader ng mababaw na organs.
[baguhin] Katangian ng Muscle Tissue
1. Excitability. Ito ay ang kakayanan ng laman na kumilos o magbigay ng kaugnayan reaksyon sa kahit anong reaksyong kemikal na kinakailangan o nagaganap sa selyulang pang-ugat (nerve cells)
2. Conductivity. Ang katangiang ito ay ang abilidad ng laman na magparami ng signos na elektrikal patungo sa membrane.
3. Contractility. Ang katangiang ito ay ang syang nagbibigay kakayahan sa laman na magpaiksi at maglabas ng pwersa kung kinakailangan.
4. Extensibility. Ang mga laman ay maaring magpahaba ng hindi nasusugatan kung kinakailangan. Ito ay ang kakayahang tinatawag na extensibility.
5. Elasticity. Ang elasticity o ang pagiging elastiko ng laman ay ang nagbibigay sa laman ng original na porma matapos na ito ay umiksi o magpahaba.