Bhutan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Motto: One Nation, One People | |
Pambansang awit: Druk tsendhen | |
Kabisera | Thimphu 28°28′ N 89°35′ E |
Pinakamalaking lungsod | Thimphu |
Opisyal na wika | Dzongkha, Ingles |
Pamahalaan | Monarkiya |
- Hari | Jigme Singye Wangchuck |
- Punong Ministro | Lyonpo Sangay Ngedup |
Pagkabuo | |
- Dinastiyang Wangchuk | Disyembre 12, 1907 |
Lawak | |
- Kabuuan | 47,500 km² (ika-130) |
18,340 sq mi | |
- Tubig (%) | negligible |
Populasyon | |
- Taya ng 2005 | 2,232,291 (pinagtatalunan)[1] (ika-139) |
- Sensus ng 2005 | 672,425 |
- Densidad | 45/km² (ika-123) 117/sq mi |
GDP (PPP) | Taya ng 2005 |
- Kabuuan | $2.913 bilyon (ika-162) |
- Per capita | $3,330 (ika-124) |
HDI (2003) | 0.536 (ika-134th) – medium |
Pananalapi | Ngultrum (BTN ) |
Sona ng oras | BTT (UTC+6:00) |
Internet TLD | .bt |
Kodigong pantawag | +975 |
Ang Kaharian ng Bhutan ay isang bansang walang pampang na nasa mga bundok ng Himalaya, sa pagitan ng India at Tsina sa Timog Asia. Druk Yul ang lokal na pangalan ng bansa. Tinatawag din na Druk Tsendhen (lupain ng dragong kulog), dahil sinasabing katunog ng ungal ng mga dragon ang mga kulog doon. Sa kasaysayan, kilala ang Bhutan sa maraming pangalan, katulad ng Lho Mon (katimogang lupain ng kadiliman), Lho Tsendenjong (katimogang lupain ng cypress), at Lhomen Khazhi (katimogang lupain ng apat na mga paglapit). Hindi malinaw ang pinagmulan ng pangalang Bhutan; inimungkahi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na maaaring nagmula sa baryasyon ng mga salitang Sanskrit na Bhota-ant (ang dulo ng Bhot – ang ibang salita para sa Tibet), o Bhu-uttan (mataas na mga lupain). Tinatayang ginagamit ang salitang Bhutan bilang pangalang noong huling bahagi ng ika-9 na siglo BC.
Isa ang Bhutan bilang sa pinakabukod at pinakahuli sa mga sumusulong na mga bansa sa mundo. Labis na nililimitahan ng pamahalaan ang turismo at impluwensyang banyaga upang mapanatili ang tradisyunal na kultura. Binubuo ang tanawin ng mga subtropikal na mga kapatagan hanggan sa mga kataasan ng Himalaya, na hihigit sa pitong libong metro. Mahayana Budismo ang relihiyon ng estado at kinabibilangan ng kalahati ng populasyon ng bansang ito. Thimphu ang kapital at pinakamalaking bayan.
[baguhin] Takda
- ↑ Ang populasyon ng Bhutan ayon sa sensus ng Pamahalaan ng Bhutan ay 734,320 (2003) [1]. Ang taya ng populasyon sa CIA Factbook ay 2,232,291 kahit na itinatakda rin nito na may pagtatayang kasimbaba ng 810,000. [2]. Ang pagtataya ng United Nations ay 2,163,000 (2005). Hindi naka-dokumento ang pamamaraang ginamit sa pagtataya ng populasyon ng CIA o ng United Nations, sa kabilang panig, nagbigay ng detalyadong bilang ng populasyon ang pamahalaan ng Bhutan hanggang sa antas ng gewog. Noong Hunyo 2005, isang sensus ang ginawa at ang pinakahuling bilang ng populasyon na binanggit ng pamahalaan batay sa sensus ay 672,425. Ang detalyadong pagkakahati ng impormasyon ay makikita sa sumusunod na websayt http://www.bhutancensus.gov.bt. Ang mga ranggo ay nakabatay sa CIA Factbook.
Mga bansa sa Timog Asya |
---|
Bangladesh | Bhutan | India | Maldives | Nepal | Pakistan | Sri Lanka |