Sri Lanka
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Demokratikong Sosyalistang Repulika ng Sri Lanka (internasyunal: Democratic Socialist Republic of Sri Lanka, ශ්රී ලංකා sa Sinhala / இலங்கை sa Tamil) (kilala bilang Ceylon bago ang 1972) ay isang tropikal na pulong bansa sa labas ng timog-silangang pampang ng subkontinenteng Indyan.
Kilala ang pulo noong lumang panahon bilang Sinhale, Lanka, Lankadeepa (Sanskrit para sa "kumikinang na lupain"), Simoundou, Taprobane (mula sa Sanskrit Tāmaraparnī), Serendib (mula sa Sanskrit Sinhala-dweepa), at Selan. Sa panahon ng kolonisasyon, nakilala ang pulo bilang Ceylon (mula sa Selon sa salitang Portuges na Ceilão), isang pangalan na malimit na gamitin. Ang hugis at kalapitan nito sa Indya ang nagdulot sa pagtukoy ng iba sa pulo bilang Luha ng India.
Mga bansa sa Timog Asya |
---|
Bangladesh | Bhutan | India | Maldives | Nepal | Pakistan | Sri Lanka |