Isotope
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang isotope (bigkas /aysotowp/; mula sa Ingles) o isotopo (mula sa Espanyol) ay dalawa o mahigit pang atomo ng iisang elemento na may parehong atomic number ngunit may magkakaibang atomic weight. Magkakatulad ang bilang ng kanilang proton at electron. Gayumpaman, ang kanilang neutron ay magkakaiba. Halimbawa: ang Carbon-12, Carbon-13 at Carbon-14 ay pare-parehong isotope ng Carbon, pare-parehong may atomic number na 6, gayumpaman iba-iba ang kanilang atomic weight sapagkat ang kanilang mga neutron ay ibaiba ang bilang. Anim sa Carbon-12, pito sa Carbon-13 samantalang walo naman sa Carbon-14.
Nanggaling ang salitang isotope, nangangahulugang sa kaparehong lugar, mula sa katotohanan na matatagpuan ang mga isotope sa kaparehong lugar sa periodic table.