Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Hinihiwalay ng Kipot ng Malaka ang Sumatra sa timog mula sa Tangway ng Malay sa hilaga.
Ang Kipot ng Malaka (tinatawag din itong Mga Kipot ng Malaka, at sa Malay Selat Melaka) ay isang makipot na kahabaan ng tubig sa pagitan ng Tangway ng Malaysia (Kanlurang Malaysia) at ang pulo ng Indonesia na Sumatra.