Wikang Malay
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang wikang Malay (Malay, Indones: bahasa Melayu) ay isang wikang Awstronesyong sinasalita sa Malaysia, Brunei, timog Thailand, timog Pilipinas, Singapore, at Indonesia (sa gitnang-silangang Sumatra, Kapuluang Riau, at mga baybaying bahagi ng Borneo). Opisyal itong wika sa Malaysia, Brunei, at Singapore. Malaki ang pagkahalintulad nito sa wikang Indonesian, na opisyal na wika ng Indonesia. Ang opisyal na pamantayan ng Malay/Indonesian, sang-ayon sa pinagkasunduan ng Indonesia, Malaysia, at Brunei, ay ang anyong sinasalita sa Kapuluang Riau ng Indonesia, sa may timog lamang ng Singapore.