Korea
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa ibang mga gamit, tignan Korea (paglilinaw).
Ang artikulong ito ay isa sa mga pahinang nangangailangan ng atensyon. Mangyaring ito ay ituwid sa paraang nararapat. |
![]() |
- Para sa ibang lugar na Korea, tingnan: Korea (paglilinaw)
Korea | |
---|---|
![]() |
|
![]() |
Tumutukoy ang Korea (Hangul: 한국, Hanguk, ginagamit ng mga taga-Timog Korea; 조선, Joseon, ginagamit ng mga taga-Hilagang Korea) sa Timog Korea (Republika ng Korea) at Hilagang Korea (Demokratikong Republika ng mga Tao ng Korea) kapag pinagsama, na naging magkasamang bansa hanggang 1945. Matatagpuan sa Peninsula ng Korea sa Silangang Asya, pinapaligiran ng Tsina sa hilaga-kanluran at Rusya sa hilaga-silangan. Mayroong parehong komposisyon (homogeneous) ang populasyon ng grupong etniko, ang mga Koryano, na nagsasalita ng naiibang wika (Koryano). Hinango ang pangalan mula noong panahon ng Goryeo ng kasaysayan ng Korea, na hinango din ang pangalan sa Goguryeo.
Nahati ang Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang kapitalistang demokrasiyang liberal na ngayon ang Timog Korea, na sinusuportahan ng Estados Unidos, at tinutukoy minsan bilang "Korea". Nanatiling Kumunistang estado ang Hilagang Korea, sinusuportahan ng Unyong Sobyet, kadalasang sinasalarawan bilang Stalinista at totalitaryan.
Maaaring kumatawan ang Pinag-iisang Watawat (Unification Flag) sa mga internasyunal na labanang palakasan, ngunit hindi ito ang opisyal na watawat ng Timog Korea o Hilagang Korea.