Unyong Sobyet
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Union of Soviet Socialists Republic (USSR) o Unyon ng mga Republikang Sosyalistang Sovyet (Ruso: Союз Советских Социалистических Республик (CCCP), Sojuz Sovetskih Socialističeskih Respublik (SSSR)), kilala din bilang Unyong Sobyet (Советский Союз, Sovetskij Sojuz) ang orihinal na estadong sosyalista na naitatag noong 1922 at tumagal ito hanggang sa pagbuwag nito noong 1991. Ang Pederasyong Ruso ang malawakang tinatanggap bilang ang estadong kahalili ng Unyong Sobyet pagdating sa diplomasya. Ang pagkabuo nito ay ang kulminasyon ng Rebolusyong Ruso ng 1917 na nagpatalsik kay Tsar Nikolaj II at ng sumunod na Digmaang Sibil Ruso mula 1918 hanggang 1920 na nagpalehitimo sa mga Bol’ševik bilang mga bagong tagapamuno. Sa teoriya, isang bansang sosyalista ang Unyong Sobyet at ang organisasyong pampolitika nito ay binibigyang kahulugan lamang ng kaisa-isang pinapayagang partidong pampolitika, ang Partidong Komunista ng Unyong Sobyet. Ang pamahalaang Sovyet, na naitatag tatlong dekada bago ng Digmaang malamig ang nagsilbing pangunahing modelo para sa mga kinabukasang bansang komunista. Nagpaiba-iba ang sakop na territoryo ng Kaisahang Sovyet, ngunit sa pinakahuling kasaysayan nito nagbagay ito higit-kumulang sa panghuling Imperyo ng Rusya, habang kapuna-puna ang di-pagkasama ng Poland at Finland.
Puna ang Kaisahang Sovyet sa kasaysayan bilang isa sa dalawang superpower ng daigdig mula 1945 hanggang sa pagbuwag nito.
Ang "COLD WAR" ay di madugong iringan sa pagitan ng Demokratikong ESTADOS UNIDOS at "Komunismong" unyong sobyet.Tinawag ni CHURCHILL na "IRON CURTAIN" ang balakid o hati sa pagitan ng silanganin at kanluranin.Noong 1950 itinatag ng kanluranin ang "NATO"(North Atlantic Treaty Organization)",samahan o depensa ng US kasama ang mga bansang nananalig sa Demokrasya,Bumuo naman ang mga Ruso ng "WARSAW PACT" na nagkasundong magtutulungan ang mga bansang komunista.Nagsimula ang iringan ng dalawang "SUPER POWERS" ng hindi magkasundo ukol sa bansang "GERMANY" at sa iba pang mga suliranin pagkatapos ng world WarII.Iminungkahi ng kalihim ng US na bigyan ang lahat ng bansa sa europa ng tulong pangkabuhayan na tinawag na"Marshall Plan" sinikap na hadlangan ni Pang.Truman ang paglaganap ng komunismo sa pamamagitan ng Polisyang"Containment".Ang dalawang panig ay parehong nagpapalakas ng puwersa sa pamamagitan ng pag-anib ng ibang mga bansa na tinawag ndin nilang"Satellite".Sa china nagsimula ng dumami ang partidong komunista ni "Mao tse-tung"(Ama ng Komunistang Tsina)laban sa partidong nasyonalista ni"Chiang kai-shek"sa korea,ay nahati ang bansa ng"38th Parallel",ang germany naman ay hahadlangan ang pagkakaisa ng pagtayo ng"Berlin Wall" ng "USSR".