Lungsod ng Cologne
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Cologne (Aleman: Köln; Kölsch: Kölle) ay pang-apat na pinamataong lungsod sa Alemanya at pinakamalaking lungsod ng land ng Nordrhein-Westfalen sa Alemanya. Ito ang pinakamahalagang domestikong puerto, at tinuturing na pang-ekonomiya, pangkultura, at pangkasaysayang kapital ng Rheinland. Ito ang pang-16 na pinakamalaking lungsod sa Unyong Europeo.
Matatagpuan ito sa interseksyon ng Ilog Rhein kasama ang isa sa mga pangunahing ruta pangkalakal sa pagitan ng silangan at kanlurang Europa na naging pundasyon ng mahalagang pangangalakal sa Cologne. Noong Gitnang Panahon, naging mahalagang sentro ng sining at edukasyon. Labis na nawasak ang Cologne noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.