Mauritania
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Repulikang Islamik ng Mauritania (internasyunal: Islamic Republic of Mauritania) o Mauritania ay isang bansa sa hilaga-kanlurang Aprika. Nakaharap ang mga baybayin nito sa Karagatang Atlantiko, kasama ang Senegal sa timog-kanluran, Mali sa silangan at timog-silangan, Algeria sa hilaga-silangan, at ang sinangay na teritoryo ng Morocco na Kanlurang Sahara sa hilaga-kanluran. Nouakchott ang kapital at pinakamalaking lungsod, matatagpuan sa Atlantikong pampang. Pinangalan ang bansang ito sa lumang kahariang Berber na Mauretania.