Morocco
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Kaharian ng Morocco (internasyunal: Kingdom of Morocco) ay isang bansa sa hilaga-kanluran ng Aprika. Mayroong mahabang baybayin sa Dagat Atlantiko na umaabot sa Kipot ng Gibraltar sa loob ng Dagat Mediterranean. Napapaligiran ng Algeria sa silangan, bagaman nakapinid ang hangganan sa Algeria, Kanlurang Sahara sa timog, ang Dagat Mediterranean sa hilaga at ang Dagat Atlantiko sa kanluran.
Inaangkin ng Morocco ang Kanlurang Sahara at pinamamahalaan ang karamihan ng teritoryo nito simula pa noong 1975. Pinagtatalunan pa ang kalagayan ng Kanlurang Sahara is disputed, nakabinbin pa sa reperendum ng Mga Nagkakaisang Bansa.