Seychelles
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Republika ng Seychelles (bigkas: sey-syels o sey-syel) (Creole: Repiblik Sesel) ay isang bansa ng mga pulo sa Karagatang Indian, mga 1,600 km silangan ng pangunahing lupain ng Aprika, hilaga-silangan ng pulo ng Madagascar. Kabilang sa mga kalapit na mga pulong bansa at teritoryo ang Mauritius at Réunion sa timog, Comoros at Mayotte sa timog-kanluran, at Maldives sa kanluran-silangan.