Mordekhay W’anunu
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Israeling si Mordekhay W’anunu (Ebreo: מרדכי ואנונו) (ipinanganak Oktubre 13, 1954), kilala din sa kaniyang pangalang bawtismal na John Crossman at sa mga katunggali bilang Mraggel haAtom (Ebreo: מרגל האטום, “Espiya ng Atomo”), ay isang dating teknikong nuklear (nuclear technician) na nagbunyag ng mga detalye ng programang pang-armas nuklear ng Israel sa prensang British noong 1986. Napapunta siya sa Roma ng isang ahenteng Amerikano ng Mossad at nadukot at ipinadala nang patago sa Israel kung saan nilitis siya nang patago at hinatulan ng pagtataksil.
Pagkatapos ng 18 taon sa bilangguan, higit 11 na isinilbi niya sa solitary confinement, ipinalaya si W’anunu noong 2004, sa ilalim ng isang komprensibong sakop ng mga restriksyon sa kaniyang pananalita at paggalaw. Simula noon ay madalas siyang naaaresto nang sandali dulot ng kaniyang mga paulit-ulit na paglabag sa mga restriksyong yon, tulad ng pagbigay ng iba’t ibang panayam sa mga dayuhang mamamahayag at ng pagtangkang lumisan ng Israel. Noong Marso 2005 sinampahan siya ng 21 kargo ng “contravening a lawful direction,” na nagdadala ng maksimum ng dalawang taon bawat kargo, at ipinalaya upang maghintay ng paglilitis, bagaman nananatili siya sa ilalim ng parehong mga restriksyon tulad ng dati.
Itinuturing ng mga pangkat pangkarapatang pantao si W’anunu bilang bilanggo ng kaniyang konsyensya. Traydor naman ang pagturing sa kaniya ng pamahalaang Israeli, at patuloy ang lubos na pamimintas ni W’anunu sa mga galaw ng Israel, mismong itinatanggi kahit ang pangangailangan ng isang estado para sa mga Hudyo.