Pang-uri
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri. Halimbawa, walang pang-uri ang mga wikang Intsik.
Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyon mga salita, katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.
Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip.May apat na klase o pagkayari ang mga pang-uri. 1. Payak - ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang hal. hinog, sabog,ganda. 2. Maylapi - ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-. 3.Inuulit - dito'y inuulit ang buong salita o bahagi ng salita. hal. pulang-pula, maputi-puti, dala-dalawa. 4. Tambalan - ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. hal. ningas-kugon, ngiting-aso, kapit-tuko.