Ponema
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Sa wikang nasasalita, ang ponema ay ang pundamental, teoretikong yunit ng tunog na nakakabukod ng salita. Nakakabuo ng ibang salita kapag pinapalitan ang isang ponema nito.
[baguhin] Ponemang Malayang Nagpapalitan
Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na ang ponema ay malayang nagpapalit, ang baybay ng salita ay nagiiba ngunit hindi ang kanilang mga kahulugan.
Halimbawa:
o at a
1. lalake at lalaki
2. babae at babai
ang e at i sa salitang "lalake" at "lalaki" ay mga ponemang malayang nagpapalitan.
Karagdagang halimbawa:
d at r
1. mariin at madiin
2. marumi at madumi
ang d at r sa salitang "marumi" at "madumi" ay mga ponemang malayang nagpapalitan.
Ang gamit ng ponemang malayang nagpapalitan ay mahalaga sa pagpapadulas ng mga salita at pagpapabilis ng komunikasyon. Kadalasan ding ginagamit ang ponemang malayang nagpapalitan upang bigyan diin ang mga salitang nagiiba ang tunog depende sa lugar. Kung matatandaan sa ibat ibang pulo ng Pilipinas, iba iba ang dayalekto (o diyalekto, ang a t i sa salitang "diyalekto" ay ponemang nag papalitan).
[baguhin] Ponemang Di Malayang Nagpapalitan
Tandaan na may mga ponemang hindi malayang nagpapalitan.
Halimbawa nito ay ang ponemang e at i sa salitang "pare" at "pari". Ang pare ay iba sa pari sa tunog at kabuluhan.
Categories: Stub | Wika