SPQR
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang SPQR ay isang akronim na nangangahulugang Senatus populusque Romanus, na ang salin ay “Ang Senado at ang mga Tao ng Roma.”
Nakatatak ito sa mga sagisag ng mga Romanong legio at ang opisyal na pangalan ng Republikang Romano at ng Imperyong Romano. Matatagpuan din ito sa mga panlungsod na sagisag ng makabagong lungsod ng Roma, sa karamihan ng mga panlungsod na gusali, at pati na rin sa mga takip ng mararaming manhole sa lungsod.