Agham panlipunan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang mga agham panlipunan ay isang pangkat ng mga displinang akademya na pinag-aaralan ang mga aspeto ng tao sa mundo. Lumalayo ang mga ito mula sa mga sining at humanidades at sa halip nagbibigay diin sa paggamit ng kaparaanang agham at mahigpit na mga pamantayan ng ebidensya sa pag-aaral ng sangkatauhan, kabilang ang mga kaparaanang nabibilang (quantitative) at pangkatangian (qualitative).
Tinutukoy minsan bilang mga malalambot na agham (soft sciences) ang mga agham panlipunan, sa pag-aaral ng parehong inter-subhektibo at obhektibo o aspetong kayarian ng lipunan. Salungat ito sa mga matitigas na agham (hard sciences) na maaaring eksklusibong nakatuon sa obhektibong aspeto ng kalikasan.
Sumasangkot ang mga dalubhasa sa agham panlipunan sa pagsasaliksik at pag-teoriya tungkol sa parehong pinagsama at indibiduwal na mga asal.
[baguhin] Pangunahing larangan
Kabilang sa pangunahing agham panlipunan:
- Antropolohiya
- Komunikasyon
- Kultural na mga pag-aaral
- Ekonomiks
- Edukasyon
- Heograpiya
- Kasaysayan
- Linggwistika
- Batas
- Agham pampolitika
- Sikolohiya
- Panuntunang panlipunan
- Sosyolohiya