Aldyebrang Boolean
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang aldyebrang Boolean ay isang sangay ng matematika na ginagamit sa elektronika at sa lohikang sirkito at disenyong digital. Sinusunod nito ang mga kondisyon ng set theory na interseksyon, unyon at komplementaryo at mga lohikal na operasyon na AT (AND), O (OR) at HINDI (NOT).
[baguhin] Talaan ng katotohanan
Talaang katotohanan ng AT:
- 1 * 1 = 1,
- 1 * 0 = 0,
- 0 * 1 = 0,
- 0 * 0 = 0,
Talaang katotohanan ng O:
- 1 + 1 = 1,
- 1 + 0 = 1,
- 0 + 1 = 1,
- 0 + 0 = 0,
Talaang katotohanan ng HINDI:
- 1 ' = 0,
- 0 ' = 1,