Astropisika
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Astropisika ay isang sangay ng astronomiya na pinag-aaralan ang mga pisika ng sansinukob, kabilang ang mga pisikal na katangian (luminosidad, densidad, temperatura at komposisyong kimikal) ng mga bagay astronomikal katulad ng mga bituin, at ang interstelar medyum, gayon din ang kanilang mga interaksyon. Ang pag-aaral ng kosmolohiya ang teoretikal na astropisika na pinalawak.