Hulyo 2006
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Hun – Hulyo – Ago | ||||||
LU | MA | MI | HU | BI | SA | LI |
26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 1 | 2 |
3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 |
10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 |
17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |
24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 |
31 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 |
2006 Kalendaryo |
[baguhin] Hulyo 1, 2006
- Inatake ng Israel ang tanggapan ng Punong Ministrong Palestino bilang bahagi ng operasyong militar sa Gaza Strip.
- Nasimula ang operasyon ng Qingzang railway na pinagdurugtong ang Tibet sa railway network ng Republikang Popular ng Tsina.
[baguhin] Hulyo 3, 2006
- Pinapakita sa paunang resulta ng halalan sa Mexico na may mababang palugit ang pagitan nina Felipe Calderón at Andrés Manuel López Obrador.
[baguhin] Hulyo 4, 2006
- Nagsagawa ng pagsubok sa pagbubunsod ng ilang missile ang Hilagang Korea, na nag-udyok ng pagsalungat ng ibang bansa.
- Isang aksidente sa underground railway sa Lungsod ng Valencia, Espanya ang ikinamatay ng hindi bababa sa 41 katao.
- Tagumpay na bumunsod ang Space Shuttle Discovery mula Cape Cañaveral.
[baguhin] Hulyo 5, 2006
- Namatay si Ken Lay, ang dating CEO ng Enron, ng atake sa puso ilang buwan bago ang kanyang nakatalang paghahatol para sa sabwatan at pandaraya.
[baguhin] Hulyo 6, 2006
- Ang Lagusang Nathu La sa pagitan ng India at ng Republikang Popular ng Tsina, na isinara sa panahon ng Digmaang Sino-Indian, ay nagbukas mula para sa kalakalan pagkaraan ng 44 taon.
- Tinalo ni Felipe Calderón si Andrés Manuel López Obrador sa halalang pampanguluhan ng Mexico ng palugit na mas mababa sa 0.6 porsiyento.
- STS-121: Nagsagawa ang Space Shuttle Discovery ng isang Rendezvous Pitch Maneuver at dumaong sa International Space Station.
[baguhin] Hulyo 7, 2006
- Ipinahayag ng FBI na nabigo ang pakanang pambobomba sa tunnel sa ilalim ng Ilog Hudson.
[baguhin] Hulyo 8, 2006
- Nagsagawa ang mga Aerospace scientist sa Toronto ng unang kompirmadong lipad ng isang ornithopter na may sakay na tao na umaandar sa ilalim ng sarili nitong power. (Toronto Star)
- Nominado si Jarosław Kaczyński, ang kakambal ni Pangulong Lech Kaczyński ng Poland, upang magsilbi bilang susunod na Punong Ministro ng bansa.
- Pagkaraan ng ilang linggong political unrest, itinakda ni Pangulong Xanana Gusmão si José Ramos Horta bilang Punong Ministro ng Silangang Timor.
[baguhin] Hulyo 9, 2006
- Tinalo ng Italy ang France sa isang penalty shootout sa 2006 FIFA World Cup. (ABC News Australia)
- Sumalpok ang S7 Airlines Lipad 778 sa Irkutsk, Russia na ikinamatay ng hindi bababa sa 124 katao na nakasakay. (ABC News America) (CNN) (BBC)
- Sa 2006 Wimbledon Tennis Championships, tinalo ni Roger Federer si Rafael Nadal sa men's singles competition, samantalang tinalo naman ni Amélie Mauresmo si Justine Henin-Hardenne para sa women's title.
[baguhin] Hulyo 10, 2006
- Namatay ang lahat ng 45 kataong sakay ng PIA Lipad 688 sa pagsalpok ng eroplano pagkaraan ng takeoff sa Multan, Pakistan. (Wikinews) (CNN) (AP)
- Napatay ang Chechen guerrilla leader na si Shamil Basayev sa Ingushetia. (Reuters)
[baguhin] Hulyo 11, 2006
- Isang serye ng pagbobomba sa mga tren ang naganap sa Mumbai, India. (Wikinews)
[baguhin] Hulyo 13, 2006
- Pinasok ng mga tropang Israeli ang Lebanon bilang kasagutan sa pagbihag ng Hezbollah sa dalawang sundalong Israeli. (Wikinews)
- Binaba mula sa ligang Serie A ang mga Italyanong football club na Juventus, Lazio at Fiorenta dahil sa kanilang papel sa isang match-fixing scandal, ilang araw pagkaraan ng pagkapanalo ng pambansang koponan ng Italya sa 2006 FIFA World Cup. (Wikinews)
[baguhin] Hulyo 16, 2006
- Nagtipontipon ang mga kasapi ng G8 sa Saint Petersburg, Russia para sa ika-32 G8 summit.
[baguhin] Hulyo 17, 2006
- Lumapag ang Space Shuttle Discovery sa Kennedy Space Center bilang pagtatapos ng isang 13-araw na misyon nito sa International Space Station.
- Isang lindol ang nagdulot ng isang tsunami na namalasa sa pulo ng Java, Indonesia.
[baguhin] Hulyo 18, 2006
- Nagpapatuloy ang labanang Israel-Lebanon habang tumataas ang biktimang militar at sibilyan sa magkabilang panig; nagmamadaling inililikas ng mga ibang bansa ang kanilang mamamayan.
[baguhin] Hulyo 20, 2006
- Isang maharlikang bahay na pinaniniwalaang kapanganakan ni Augustus, ang unang emperador ng sinaunang Roma, ang naungkat sa ilalim ng Palatine Hill.
[baguhin] Hulyo 21, 2006
- Si Ta Mok, ang dating komandante ng Khmer Rouge na nakatakdang lilitisin sa 2007 para sa crimes against humanity sa Demokratikong Kampuchea, ay namatay sa isang ospital-militar sa Phnom Pehn, Cambodia.
[baguhin] Hulyo 23, 2006
- Nanalo ang golfer na si Tiger Woods sa Open Championship ng 2006 at nakamit ang Claret Jug sa ikatlong pagkakataon.
[baguhin] Hulyo 25, 2006
- Naipagpaliban ang Doha round ng WTO global trade talks sa Geneva sa gitna ng malaking di-pagkakaunawaan sa mga farming subsidy at import tax sa pagitan ng Estados Unidos, Unyong Europeo at ng developing world.
[baguhin] Hulyo 27, 2006
- Isang prayer book na mula sa maagang panahon ng medieval, maaring 1200 taon, ay natagpuan sa isang bog sa Ireland.
- Ang siklistang si Floyd Landis, ang nanalo ng Tour de France ng 2006, ay bumagsak sa isang drug test.
- Isang heat wave ang matagal na nararanasan sa Europa at sa Estados Unidos.
[baguhin] Hulyo 28, 2006
- Nakumpirmang ang huling natagapuang shipwreck sa Dagat Baltic ay ang Graf Zeppelin, ang tanging aircraft carrier ng Nazi Germany.
[baguhin] Hulyo 30, 2006
- Isang aistrike ng mga Israeli ang nakapatay ng hindi bababa sa 28 katao sa Qana, Katimugang Lebanon habang umuusad ang hidwaang Israel-Lebanon.
- Ginanap sa Democratic Republic of the Congo ang unang multi-party elections nito mula nang maging malaya noong 1960.
Tala ng mga Pangyayari ayon sa Buwan