Unyong Europeo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Unyong Europeo (UE) o Unyong Yuropeo (UY) ay isang supranasyonal at intergubernamental na unyon ng 27 malaya at demokratikong estadong-kasapi. Ang Unyong Europeo ay ang pinakamalaking kompederasyon ng mga malayang estado, na itinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992 ng Tratado sa Pagkakaisa ng Europa (ang Tratado ng Maastricht). Pero, maraming mga aspeto ng Unyon ay namalagi na bago ng araw na iyon sa pamamagitan ng isang serye ng mga sinundang relasyon na bumabalik sa 1951.[1]
Ang Unyon sa kasalukuyan ay may isang komun na nag-iisang merkado na binubuo ng isang unyong pang-adwana, isang nag-iisang salapi na pinamamahala ng Europeong Bangko Sentral (sa ngayon ay inaangkin ng 13 ng 27 mga estadong-kasapi), isang Komun na Patakarang Pansaka, isang komun na patakarang pang-kalakalan, at ng isang Komun na Patakarang Pampalaisdaan.[2] Isang Komun na Patakarang Panlabas at Pang-seguridad ay itinatag rin bilang ikalawa sa mga tatlong haligi ng Unyong Europeo. Ang Kasunduang Schengen ay nagpaalis ng mga kontrol sa pasaporte para sa ilang mga estadong-kasapi, at ang pagsusuring pang-adwana ay inalis rin sa maraming mga interyor na hangganan sa UE, na gumawa sa isang ekstento isang nag-iisang espasyo ng mobilidad para sa mga mamamayan ng UE na mag-tira, mag-biyahe, mag-trabaho at mamuhunan.[3]
Ang mga pinakaimportanteng institusyon ng UE ay nagsasama ng Konseho ng Unyong Europeo, ang Lupong Europeo, ang Hukumang Europeo ng Katarungan, ang Parlamentong Europeo, ang Konsehong Europeo, at ang Europeong Bangko Sentral. Ang mga pinanggalingan ng Parlamentong Europeo ay bumabalik sa dekadang 1950 at ng mga nagtatatag ng tratado, at mula sa 1979 ang mga miyembrong nito ay inihahalalal ng mga taong kanilang kinakatawan. Kada limang taon nagkakaroon ng halalan kung saan ang mga naka-rehistrong mamamayan ng UE ay maaaring bumoto.
Ang mga aktibidad ng Unyong Europeo ay sumasakop sa karamihang lapad ng patakarang publiko, mula sa patakarang ekonomika sa ugnayang panlabas, tanggulan, pagsasaka at kalakalan. Pero, ang ekstento ng kapangyarihan nito ay umiiba ng kahanga-hanga kahalubilo ng mga sakop. Sa ilan ang UE ay maaaring magkawangis sa isang pederasyon (hal. sa ugnayang pampananalapi, patakarang agrikultural, pang-kalakalan at pang-kalikasan, patakarang ekonomika at panlipunan), sa iba isang kompederasyon (hal. sa ugnayang panloob), at sa iba pa rin isang organisasyong internasyonal (hal. sa ugnayang panlabas).
[baguhin] Mga sanggunian
- ↑ "Panorama of the European Union", Europa. Retrieved 20 May 2006.
- ↑ Activities of the EU — Internal market, Europa. Retrieved 20 May 2006.
- ↑ "Abolition of internal borders and creation of a single EU external frontier", Europa. Retrieved 20 May 2006.
Ang Unyong Europeo (UE) at mga kandidato sa paglawak | |
---|---|
Mga estadong-kasapi: Austria | Belgium (Belhika) | Bulgaria | Cyprus | Czechia | Denmark | Estonia | Finland | France (Pransya) | Germany (Alemanya) | Greece (Gresya) | Hungary | Ireland (Irlanda) | Italy (Italya) | Latvia | Lithuania | Luxembourg | Malta | Netherlands | Poland | Portugal | România | Slovakia | Slovenia | Spain (Espanya) | Sweden | United Kingdom |
|
Mga bansang kandidato na nasa usapan sa paglawak: Croatia | Turkey (Turkiya) |
|
Mga bansang kandidato: Republika ng Masedonya (kilala ng UE bilang Dating Republikang Yugoslav ng Masedonya) |
|
Mga bansang may potensiyal maging bansang kandidato: Albania | Bosnia at Herzegovina | Montenegro | Serbia |