Abril 2006
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mar – Abril – May | ||||||
LU | MA | MI | HU | BI | SA | LI |
27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 1 | 2 |
3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 |
10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 |
17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 |
24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 |
2006 Kalendaryo |
[baguhin] Abril 2, 2006 (Linggo)
- Sa Thailand, naganap ang lehislaturang halalan ng 2006. Binoykot ang halalan ng lahat ng tatlong pangunahing partidong oposisyon. (Indep. UK)
[baguhin] Abril 3, 2006 (Lunes)
- Sabi ni Resurreccion Borra ng Commission on Elections ng Pilipinas sa harap ng pandinig ng Senado ukol sa eskandalo ng "Hello Garci", nagkaroon daw ng dayaan noong pang-pangulong halalan ng 2004. (inq7.net)
[baguhin] Abril 4, 2006 (Martes)
- Ipinahayag ni Thaksin Shinawatra na magbibitiw siya bilang Punong Ministro ng Thailand pagkatapos ng ilang buwang protesta. (BBC)
- Ayon sa Pambansang Tanggapan ng Estadistika ng Pilipinas, aabot daw sa 141.7 milyon ang populasyon ng Pilipinas sa pagdating ng taong 2040 na halos doble sa ngayon. (philstar.com)
[baguhin] Abril 11, 2006 (Martes)
- Pinili ang lungsod ng Essen, Alemanya ng mga hurado ng Unyong Europeo bilang ang Europeong Kapital ng Kultura ng 2010. (Deutsche Welle)
- Tinatayang 47 ang patay at higit sa 80 ang nasugatan sa pagsabog ng bomba sa isang relihiyosong pagtitipon ng mga Sunning Muslim sa Karachi, Pakistan. (BBC)
- Sa Pilipinas, binawi ng Malakanyang ang pagpapalabas ng anim na mga artista na magiging mga National Artist, kabilang dito ang yumaong aktor-direktor na si Fernando Poe, Jr. (inq7.net)
[baguhin] Abril 17, 2006 (Lunes)
- Nasa ika-12 araw na ang isang pangkalahatang pag-aaklas sa Nepal na tinawag ng mga partido politikal na sumasalungat kay Haring Gyanendra. (BBC)
- Pagkatapos na ipahayag ni Pangulong Arroyo na ibaba lahat ng nasintensyahan ng kamatayan sa habang-buhay na pagkabilanggo, susunod ang pag-endorso niya ng isang panukalang batas na ninanais na tanggalin ang parusang kamatayan. (inq7.net)
[baguhin] Abril 18, 2006 (Martes)
- Nagbukas ang Ikasampung Pambasang Kongreso ng Partido Komunista ng Vietnam sa Hanoi sa gitna ng malaking escandalo ng korupsyon. BBC
[baguhin] Abril 20, 2006 (Huwebes)
- Isang malawak na sistema ng ilog na kumakabi sa iba't ibang lawang subglasyal ang natuklasan sa ilalim ng nakakubling yelo ng Antartika. (MSNBC) (BBC) (nationalgeographic.com)
[baguhin] Abril 21, 2006 (Biyernes)
- Pagkatapos ng pagpasya ng Korte Suprema ng Pilipinas na hindi legal at di karapatdapat ang ilang bahagi ng Executive Order 464, ipagpatuloy ng Senado ng Pilipinas ang mga pag-iimbistiga, sa tulong ng lehislatura, ng mga eskandalong kinanaharap ng Pangulong Arroyo kabilang ang Hello Garci scandal. (inq7.net)
- Ipinagdiwang ni Reyna Elizabeth II ng United Kingdom at mga Commonwealth Realm ang kanyang ika-80 kaarawan. (BBC)