Mayo 2005
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Abr – Mayo – Hun | ||||||
LU | MA | MI | HU | BI | SA | LI |
25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 1 |
2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 |
9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 |
16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 |
23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 |
30 | 31 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 |
2005 Kalendaryo |
[baguhin] Mayo 1, 2005
- Nabili ng Lenovo Group, ang pinakamalaking Tsinong kompanya ng kompyuter, ang personal computer business ng IBM ng US$ 1.25 bilyon sa cash, at inako ng Lenovo ang $500 million na pagkakautang ng IBM. (Reuters)
- Mahigit sa tatlumpung Iraqi ang namatay at higit sa limampu ang nasugatan nang sumabog ang isang bomba sa isang lamay. (CBC)
- Ipinabatid ng Estados Unidos ang Hapon na maaring nagpalipad muli ng isang test missile ang Hilagang Korea patungong Dagat ng Hapon. Ang ulat ay nakompirma na. (ABC News) (Forbes)
- Direktang kinumpirma ng mga astronomo ang pagkakaroon ng isang planetang extrasolar na nag-oorbit sa brown dwarf na 2M1207a. Ayon sa grupo, ito raw ang kauna-unahang infrared view ng isang exoplanet. (Seattle Times) (ESO) (CP)
- Hiniling ng pangulo ng Taiwan na si Chen Shui-bian na makipagpulong ang pamahalaan ng Tsina sa kanyang pamahalaan kaagad pagkaraang nakipagpulong ang Tsina sa lider na oposisyon ng Taiwan, si Lien Chan. May hidwaan ang Taiwan at Tsina dahil sa tumitinding paghingi nito ng kasarinlan mula sa mainland. (CBC) (ABC)
- Nasa kamay ng mga sundalong Iraqi at Amerikano ang ilang suspek para sa questioning tungkol sa pagkidnap kay Margaret Hassan. Si Hassan, ang direktor ng Iraq division ng CARE, ay kinidnap ng noong Oktubre 2004 at pinaniniwalaan nang pinatay. (CBC) (Reuters)
- Sa Nepal, 10,000 nagproprotesta ang nagmartsa sa Kathmandu laban sa mga patakaran ni Haring Gyanendra at hiningi ang pagbabalik ng demokrasya. (Reuters AlertNet) (ABC)
- Nagbabalak ang Italya na maglathala ng sarili nitong pananaw sa pagkakapatay ni Nicola Calipari. Ipinalabas ng Italian media ang mga classified na detalye tungkol sa ulat na ginawa ng Estados Unidos. (BBC) (Reuters AlertNet) (ABC)
- Nagkaroon ng labanan sa pagitan ng riot police at mga nakamaskarang left-wing anarchist sa Berlin at Leipzig, Alemanya. Isang daang tao ang inaresto. (Deutsche Welle) (Reuters AlertNet)
- Ang pangulo ng Honduras na si Ricardo Maduro at ng kanyang anak na babae ay nakaligtas na mayroon lamang minor injury nang bumagsak ang kanilang eroplano sa dagat malapit sa Tela. (CNN) (Guardian Unlimited) (BBC)
[baguhin] Mayo 2, 2005
- Ipinapakita ng ipinagkait na data mula sa taunang report sa terorismo ng U.S. State Department ang pagtaas ng bilang ng mga atake noong 2004. (BBC)
- Israeli-Palestinian conflict:
- Isang sundalong Israeli at isang pinuno ng Islamic Jihad ang namatay pagkatapos ng Israeli raid sa Tulkarm, isang Palistinian na lungsod. Ang sundalo ay mamatay sa gunfight sa 3 miyembro ng Palestinian Islamic Jihad. Ang tatlo ay pinaghihinalaang bahagi ng cell na kasangkot sa Tel Aviv "Stage" club bombing noong Pebrero 2005. Si Shafiq Abdul Rani, pinuno ng Jihad cell sa Tulkarm ay namatay at isa pang militante ang inaresto. (Haaretz)
- Nag-fire ng 3 Qassam rocket ang militanteng Palestinian sa Sderot, isang bayang Israeli. Walang nasawi sa pangyayari. (Haaretz)
- Nag-resign si Natan Sharansky, ang Israeli Minister of Jerusalem and Diaspora Affairs, sa pamahalaan bilang protesta laban sa planong unilateral disengagement ni Ari’el Sharon. (Haaretz), (BBC)
- Maraming tao ang iniulat na namatay pagkaraan ng malakas na pagsabog sa munitions dump sa Pagja, Afghanistan 50 milya sa hilaga ng Kabul. (Seattle Times)
- Si Anthony John Wakefield, isang guardsman mula sa Newcastle upon Tyne, ay namatay sa Iraq pagkaraang masugatan sa isang hostile action sa bayan ng Al Amarah. Ang bilang ng mga UK serviceman na mamatay sa Iraq conflict sa ngayon ay 87. (BBC)
- Ipinagbili ng Adidas-Salomon, ang pinakamalaking tagagawa ng sporting goods sa Europa, ang kanilang Salomon division ng 485 milyong euro sa kompanyang Finnish na Amer Sports (na nagmamay-ari ng Wilson Sporting Goods). CNN News
- Tinapos na ng pagmahalaan ng Nepal ang house arrest sa dalawang parliamentarian communist leaders, sina Madhav Kumar Nepal at Amril Bohara. (BBC)
- Sa Togo, tinanggihan ng partidong oposisyon na Union of Forces for Change na sumapi sa bagong pamahalaan, at inakusaan si Faure Gnassingbé ng pandaraya sa halalan. Mga 12,000 tao ang lumikas dahil sa karahasan sa Ghana at Benin. Tinatangkang mamagitan ang ECOWAS. (BBC) (Reuters AlertNet) (GhanaWeb) (ABC)
- Nagtipon-tipon ang mga foreign ministers sa New York upang i-review ang Nuclear Non-Proliferation Treaty. (Wired) (BBC) (Reuters AlertNet)
- Terorismo sa Cairo: Pagkaraan ng mga insidente ng terorismo sa Cairo noong Sabado, mga 200 katao ang dinala para imbestigahan ng polisyang Egyptian. Sampung tao ang nasugatan sa mga atake, at tatlong militante ang namatay. (BBC)
- Sa Alemanya, hinihiling ng prosekusyon ng walong-taong sintensya kay Martin Weise, isang neo-nazi leader, at tatlong iba pa. (Reuters AlertNet)
- Hinihiling ng dating punong ministro ng Haiti na si Yvon Neptune sa kasalukuyang pamahalaan na bawiin ang paratang na siya ay nag-organisa ng isang massacre noong Pebrero 2004. Si Neptune ay nag-hunger strike sa loob ng 15 araw at tumatangging magpagamot. (Haiti Action Committee) (BBC) (Reuters AlertNet)
- Gumuho ang tatlong gusali sa Lahore, Pakistan dahil sa pagsabog ng isang gas cylinder – hindi kukulangin na 16 na tao ang namatay. (BBC) (Reuters)
- Pinalipad sa huling pagkakataon ang British rocket na Skylark. (Independent) (BBC)
- Ipinayag ni United Nations chief prosecutor ng war crimes court ng Sierra Leone David Crane na si Charles Taylor, ang dating pangulo ng Liberia, ang mayroon pa ring pakana na ipapatay si Guinean leader Lansana Conté. Naospital si Conté mula nang makalitas ito sa isang assassination attempt noong Enero. (Reuters AlertNet) (UN Regional Information) (World Peace Herald) (BBC)
[baguhin] Mayo 3, 2005
- Dalawang F/A-18 Hornet jet ng United States Marine Corps ang nagbanggan sa himpapapawid ng Iraq habang ang mga ito ay may misyon doon. Natagpuan ang katawan ng isa sa mga piloto at ng isang ejected seat ngunit ang ikalawa ay nawawala pa. (BBC) (Washington Post)
- Ipinagbawal ng India ang mga buto ng bulak na genetically modified ng Monsanto. (Al-Jazeera)
- Sa Nepal, libolibong peryodista ang nagprotesta upang ipanumbalik ang kalayaan sa pamamahayag sa World Press Freedom Day. (Guardian) (BBC)
- Ipinahayag ng isang constitutional court sa Togo na si Faure Gnassingbé ang nanalo sa halalang pampangulo. Patuloy ang paglikas ng mga refugee sa mga karatig bansa. (Reuters AlertNet) (News24)
- Kinumpirma ng mga awtoridad sa Indonesia ang ikalawang kaso ng polio. (Jakarta Post) (BBC) (Reuters AlertNet)
- Sa Peru, apat na kasapi ng government health team ang natagpuang may laslas sa leeg. (Reuters AlertNet)
- Pumatay ng 15 katao ang isang pagsabog sa isang footbal stadium sa Mogadishu, Somalia nang simulan ng bagong punong ministro na si Ali Mohammed Ghedi ang kanyang talumpati. Ipinahayag ng nga awtoridad pagkaraan na aksidenteng napasabog ng isang security guard ang isang granada. (IOL) (IHT)
- Hinuli ang walong tao sa Senegal para sa advance fee fraud e-mail scam na kung saan nakabiktima nito ang isang Amerikano ang isang Norwegian. (BBC)
Tala ng mga Pangyayari ayon sa Buwan