Lungsod ng Berlin
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Berlin ang kabisera at isang lalawigan ng Alemanya. Ito ang pinakamalaking lungsod sa bansa, at ang pumapangalawang pinakamalaking lungsod ayon sa populasyon sa Kaisahang Yuropeo.
Unang nabanggit noong ika-13 dantaon, ang Berlin ay naging kabisera ng Kaharian ng Prusya noong 1701 at ng Imperyong Aleman noong 1871. Ganito rin ang kaniyang naging katayuan noong mga panahon ng Republika ng Weimar at ng Ikatlong Reich hanggang 1945. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, inangkin ng Demokratikong Republikang Aleman (DRA) o Silangang Alemanya ang Silangang Berlin bilang kabisera nito, habang ang Kanlurang Berlin naman ay isang enclave ng Kanlurang Alemanyang pinaliligiran ng Silangang Alemanya. Kasunod ng muling pagsasaisa ng Alemanya noong 1990, ang Berlin muli ang naging kabisera ng Alemanya.