Mga Pulo ng Galápagos
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Mga Pulo ng Galápagos (Kastila: Archipiélago de Colón o Islas Galápagos) ay isang kapuluan na binubuo ng 13 pangunahing mga pulo na mala-bulkan, 6 na mas maliliit na mga pulo, at 107 mga bato at maliit na mga pulo. Inakalang nabuo ang kauna-unahang pulo sa pagitan ng 5 at 10 milyong taon na nakaraan, bilang resulta ng aktibidad na tektonik. Kasalukuyang nabubuo pa ang mga pinakabatang mga pulo, ang Isabela at Fernandina, pati ang pinakahuling pagputok ng bulkan noong 2005.
Kabilang sa bansang Ecuador ang Mga Pulo ng Galápagos sa Pasipiko, mga 965 km (mga 600 mi) kanluran sa pangunahing lupain.
Ang Mga Pulo ng Galápagos ay pinuntahan ni Charles Darwin sakay sa Beagle. Dito niya nakita ang mga pagbabago sa iba't ibang uri ng mga hayop. Ilang sa mga hayop sa Galapagos ay mga kakaibang uri ng mga iguana, at blue-footed boobie.