Tagapagbatas
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang isang tagapagbatas o lehislatura ay isang asembliyang pang-pamahalaan kasama ang kapangyarihang magpatibay ng mga batas. Kilala sa maraming pangalan ang lehislatura, parliyamentaryo at kongreso ang mga pinakakaraniwan, bagaman may mga partikular na kahulugan ang mga katagang ito. Sa mga sistemang parliyamentaryo ng pamahalaan, ang tagapagbatas ang pormal na makapangyarihan at hinihirang ang tagapagpaganap. Sa mga sistemang presidensyal ng pamahalaan, tinuturing ang tagapagbatas bilang isang kapangyarihang kagawaran na kapantay, at malaya sa tagapagpaganap. Maliban sa mga paggawa ng batas, karaniwang may ekslusibong kapangyarihan na magtaas ng mga buwis at pagtibayan ang budget at ibang gastusin ng pamahalaan. Kadalasang kailangang ang pagsang-ayon ng tagapagbatas sa pagpapatibay ng mga kasunduan at pagpapahayag ng digmaan.