Thomas Edison
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Thomas Alva Edison (Pebrero 11 1847 – Oktubre 18 1931) ay isang Amerikanong imbentor at negosyante na nagbuo ng maraming mga aparato na labis na naimpluwensiyahan ang buhay ng ika-20 siglo. Tinaguriang "The Wizard of Menlo Park" (Ang Salamangkero sa Liwasan ng Menlo) ng isang taga-ulat sa pahayagan, isa siya sa mga unang imbentor na nilapat ang mga prinsipyo ng malawakang produskyon sa proseso ng imbensyon, at kung gayon maaaring papurihan sa paglikha ng unang industriyal na laboratoryong nanaliksik. Hindi orihinal sa kabuuan ang ilan sa mga inimbento niya, ngunit mga pagbabago sa mga naunang mga patente (ang pinakasikat dito ang bombilya), o mga gawa ng mga empleyado niya. Gayunpaman, tinuturing si Edison pinakamabungang imbentor sa kasaysayan, na hinahawakan ang 1,097 mga patente sa Estados Unidos sa kanyang pangalan, gayon din ang mga patente sa United Kingdom, Pransya, at Alemanya.