Tsokolate
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang tsokolate ay isang salitang Aztec na ginagamit upang isalarawan ang ilang mga hilaw at mga nagdaan sa proseso na mga produkto na nagmula sa tropikal na punong kakaw. Ito ang karaniwang sangkap sa maraming mga matatamis na pagkain, sorbetes, mga tinapay, keyk, empanada at mga pang-himagas. Ito ang isa sa mga sikat na lasa (flavor) sa daigdig.