Alpabeto
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang alpabeto, kilala rin sa katawagang abakada o abendensaryo, ay kalipunan ng mga titik na mayroong pagkakasunod sunod. Sa Pilipinas, ang alibata ay isa sa mga uri ng lumang abakada. Ito rin ay nag-iiba, nadaragdagan o nababawasan, depende sa konbesyon o itinatakda ng komisyon na nabigyan ng kapangyarihan ng pamahalaan upang magpaunlad at mag-asikaso sa mga balarila at iba pang usapin hinggil sa wika.