Laozi
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Laozi (Intsik: 老子, Pinyin:Lǎozǐ; transliterasyon din bilang Lao Tzu, Lao Tse, Laotze, at iba pa) ay isang pangunahing katauhan sa pilosopiyang Intsik na pinagtatalunan kung totoo siya sa kasaysayan. Sang-ayon sa tradisyunal na alamat ng Intsik, nabuhay siya noong ika-6 na siglo BC. Bagaman, maraming mga dalubhasa sa kasaysayan ang nagsasabing nasa ika-4 siglo BC siya nabuhay, na panahon ng Sandaang Paaralan ng Pag-iisip (Hundred Schools of Thought) at Panahon ng Naglalabang Estado (Warring States Period). Pinupuri si Laozi sa kanyang pagsulat ng orihinal na gaw sa Taoismo, pinangalang Tao Te Ching, at kinikilala bilang nagtatag ng Taoismo.