Lungsod ng München
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang München (pinakamalapit na bigkas /mín·shen/) ang pinakamalaki at kabisera ng lalawigan ng Bayern. Kasunod ng Berlin at Hamburg, ang München ang pangatlong pinakamalaking lungsod sa Alemanya, at isa rin ito sa mga pinakamahahalagang sentro pang-ekonomiya, pantransportasyon, at pangkultura ng bansa.