Timog Amerika
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Timog Amerika ay isang kontinente na matatapuan sa Kanlurang Hemispiro sa pagitan ng mga karagatang Pasipiko at Atlantiko.
Kadalasang tinutukoy bilang kabilang sa Amerika, katulad ng Hilagang Amerika, pinangalan ang Timog Amerika kay Amerigo Vespucci, na ang unang Europeo na nagmungkahi na ang Amerika ay hindi ang Silangang Indies, ngunit isang hindi pa natutuklasang Bagong Mundo.
May laki ang Timog Amerika ng of 17,840,000 kilometro kuadrado (6,890,000 milya kuadrado), o nasa 3.5% ng ibabaw ng Daigdig. Noong 2005, tinatayang nasa 371,000,000 ang populasyon nito. Pang-apat ang Timog Amerika sa laki (pagkatapos ng Asya, Aprika, at Hilagang Amerika) at panglima sa populasyon (pagkatapos ng Asya, Aprika, Europa, at Hilagang Amerika).