Uranyo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang uranium o uranio ay isang elementong kimikal sa talaang peryodiko na U ang simbolo at may bilang atomiko na 92. Isang mabigat, mapilak na puti, nakakalason, mala-metal, at likas na may radyoactibidad na elemento, kabilang ang uranio sa mga seryeng actinide at ang ginagamit kanyang isotope 235U bilang panggatong sa mga nukleyar reaktor at mga sandatang nukleyar. Karaniwang matatagpuang ang uranium sa maliit na bahagi sa mga bato, tubig, lupa, mga halaman, at mga hayop (kabilang ang mga tao).